Welcome to Pagkaing Pinoy! , Kung saan sama-sama nating matutunan at likhain ang mga masasarap at patok na Filipino cuisines.
Ang lutuing Pilipino ay ang pinagsama samang lutuin ng iba’t ibang mga pangkat etniko ng Pilipinas. Naimpluwensiyahan ito ng mga lutuin ng mga Tsino, Kastila, at mga Amerikano. Ipinapakita sa lutong Pilipino ang kasaysayan ng Pilipinas. Lumitaw ang pagiging katangi-tangi at kaiba nito mula sa pagkakaroon ng batayan ng mga sangkap na Malay, Intsik, Hindu, Kastila, at Amerikano. Ang katutubo talagang pagkaing Pilipino ay malapit sa mga katutubong lutuin sa Indonesia, Malaysiya, Thailand, at ibang mga bansa sa Asya. Isa sa nakaugaliang gawi sa pagkain ng mga Pilipino ang pagkakamay o paghuhugis-bilog ng kanin sa pamamagitan ng mga daliri habang pinipisil sa plato bago isubo sa bibig.